203

Oct 22, 2019 @ 18:10
By

Barbie Imperial nakapagpundar na ng bahay para sa ina

Malayo na talaga ang narating ni Barbie Imperial simula nang maging lead star siya sa “Araw-Gabi”.

Dahil sa sunod-sunod niyang serye tulad ng iWant original na “Taiwan That You Love”, nakabili na siya ng bahay sa Maynila.

Ayon kay Barbie, inuna talaga niyang magkaroon ng bahay para sa ina.

“Sa akin hindi ko siya kinokonsider na bahay ko talaga. Gusto ko may house na si mama. Para kay mama talaga iyon,” saad ng aktres sa interview sa kanya sa “Magandang Buhay”.

Dagdag ng Kapamilya actress, hindi niya in-expect na makakabili siya kaagad ng bahay. Bukod sa bahay na naipundar, kasosyo rin niya ang malayong pinsang si Marco Gumabao sa isang restaurant.

Napatigil na rin niya ang inang magtrabaho. Dahil ayon sa kanya, mas gusto niyang magpahinga ang ina at siya naman ang kakayod para sa kanilang pamilya.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang blessings na dumarating kay Barbie dahil kasama din siya sa bagong iWant original kasama si Elisse Joson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,