454

Dec 22, 2019 @ 18:51
By

Barbie Imperial nakabili na ng bahay

Dream come true para kay Barbie Imperial ang magmay-ari ng sariling bahay, at natupad niya ‘yun bago matapos ang 2019.

“I still can’t believe it. Bago matapos ang 2019.. I finally have my own house! ? ang tagal ko pinaghirapan at pinag ipunan ko to,” sabi ni Barbie sa Instagram, Disyembre 18.

Nagpasalamat siya sa kanyang mga showbiz project at product endorsers.

“Thank you dahil sainyo napasaya ko ang family ko. Merry Christmas indeed!! ??❤️” wika pa ng “Araw Gabi” lead actress.

Taong 2015 nang pumasok sa mundo ng showbiz si Barbie noong maging Pinoy Big Brother housemate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?