228

Nov 17, 2021 @ 18:27
By

Barbie Imperial dahilan daw ng hiwalayang Wil at Alodia

Maraming netizen ang hindi mapakali kung sino ang mga taong na-banggit ni Xian Gaza sa kaniyang blind item.

Ayon sa Facebook post ni Xian, may dalawa umanong social media personality ang naghiwalay dahil nahuli ng babae na may kayakap ang lalaki na isang Star Magic artist sa isang hotel sa Parañaque.

Sinabi naman ng ilang netizen, sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich ang tinutukoy na naghiwalay, habang si Barbie Imperial naman daw ang nahuling kayakap.

May mga pasaring pa si Xian sa magkasintahang Barbie at Diego Loyzaga na siyang nagpalakas sa hinala ng mga tao na ang aktres nga ang nasa blind item nito.

Isa na dito ang pag-good night niya sa lahat ng tao pwera lang daw kay Barbie.

“Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial,” post nito sa kaniyang Facebook.

Pati ang pag-puri nito sa relasyon ng dalawa na halatang sarkastiko ang pagkakasabi.

“HOW SWEET NAMAN… VERY STRONG RELATIONSHIP,” dagdag nito sa isa pang post kasama ang larawan ng isang balita tungkol sa magkasintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?