45

Apr 28, 2021 @ 16:19
By

Barbie Imperial COVID survivor pala

Tsinika ni Barbie Imperial kung bakit hindi niya isinapubliko ang paglaban niya sa coronavirus disease 2019.

“Kasi ako, palaging throwback ‘yung mga pino-post ko na photos and videos sa story ko,” sey ng aktres sa online presscon ng ‘Bagong Umaga,’ Martes.

“Baka malito ‘yung mga tao na nakasama ko kung kailan ba talaga ‘yun, at baka isipin nila na nakasama ko sila noong day na ‘yun. Baka ma-alarm sila,” dagdag niya.

Samantala, nagpositibo rin pala at gumaling mula sa COVID-19 ang co-actors ni Barbie sa nasabing Kapamilya teleserye na sina Heaven Peralejo, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Tony Labrusca, at Keempee de Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?