almost-a-love-story
By

Barbie, Derrick movie tsinugi agad sa mga sinehan

Sharing is caring!

Malungkot ang naging tweet kamakailan ni Barbie Forteza dahil mabilis na-pullout sa mga sinehan ang pelikula nila ni Derrick Monasterio na Almost A Love Story.

Marami pa kasing fans ni Barbie ang hindi pa napapanood ang pelikula nila ni Derrick dahil nawala na raw ito sa mga sinehan.

“Nakakalungkot na may mga taong gustong manood ng Almost A Love Story sa lugar nila pero hindi na palabas. pinull out agad,” tweet pa ni Barbie.

May mga fan pa naman daw sina Barbie at Derrick na nilibot ang mga SM cinemas sa kung saan-saan para lang mahanap ang pelikula ng dalawa. Pero bigo ang mga ito dahil wala na raw ito sa mga sinehan.

“Nakakalungkot isipin na reunion ng buong family and relatives ko at pumunta kami lahat ng MOA para manood ng #AlmostALoveStory ni @dealwithBARBIE at @derrickleander pero bigo kami dahil hindi siya showing sa Mall of Asia. Sayang Efforts namin. Di nalang kami nanuod,” tweet ng isang netizen.

May ibang sinehan daw kasi na isang araw lang naipalabas ang Almost A Love Story. The next day ay na-pull out na. Wish ng mga fan nila Barbie at Derrick na hindi maapektuhan ang tambalan ng dalawa, lalo na’t meron pa naman silang upcoming teleserye sa GMA-7 na Inday Will Always Love You.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?