By

Barbie at Derrick hindi magsasama sa isang kuwarto sa Italy

Sharing is caring!

Wala raw dapat ipagselos si Jak Roberto sa pagsasama nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa pelikulang ‘Almost A Love Story’ na gagawin nilang dalawa sa Italy.

Yes, tuloy na tuloy na ang balik-tambalan na DerBie na more than two years ding hindi nagsama sa isang proyekto, kaya pareho silang excited sa pagsisimula nito na gagawin nila under Direk Louie Ignacio.

Ayon pa kay Derrick, ano naman daw ang ikaka-insecure sa kanya ng dyowa ni Barbie, e, hindi naman daw sila magkasama sa isang kuwarto sa hotel na titirhan nila sa Italy.

At saka, focus sila talaga sa work dahil ilang araw lang naman nila itong gagawin at kailangang tutok sila sa script. Bukod pa rito, gusto raw niyang i-explore ang ganda ng lugar dahil first time niya roon at hindi niya alam kung kelan pa siya makakabalik.

Pero, teka, hindi kaya dito makahanap ng bagong dyowa si Derrick lalo na at alam namin na type niya ang magaganda, mapuputi at mala-model na babae? Eh, nagkalat ‘yon sa Italy, huh!

Natatawa lang ang aming anak-anakan nang biruin namin siya tungkol dito.

Hndi raw niya naisip na papasok pa ‘yun sa aming kukote kaya naitanong namin sa kanya.

Pero, ‘yung mga ngiting ‘yun ni Derrick, naku, alam na namin ang ibig sabihin nito.

Para bang, ‘Teka, why not nga naman?’ ang ibig sabihin nito, noh!

Matagal nang tigang sa pag-ibig si Derrick, kaya malay natin kung isang Italyana na pala ang pupuno nito. For sure, hindi siya lugi kay Derrick, dahil bukod sa guwapo at hunky ito, may isang parte pa sa kanyang katawan ang sigurado kaming punumpuno rin. Echos!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?