467

Nov 28, 2017 @ 12:34
By

Barbie bawal nang mag-post ng lambingan nila ni Jak Roberto

MARAMI pala ang umaasang after ng pelikula nila ni Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter (na hindi masyadong pumalo sa takilya) ay mas magiging open na si Barbie Forteza sa relasyon nila ng boyfriend na si Jak Roberto.

Pero ayon sa isang malapit sa young actress, hindi na raw masyadong magpo-post ng mga nakakakilig na bagay tungkol sa kanila ni Jak si Barbie. Bale noong November 18 pa huling nag-post si Barbie ng picture sa kanyang Instagram account na magkasama sila ni Jak bilang pagpo-promote na rin niya ng guesting nila sa Pepito Manaloto ng GMA 7.

Pinost din ni Barbie ng araw na ‘yon ang promotional video ng guesting ni Jak sa Daig Kayo ng Lola Ko. Eh, naba-bash pala si Barbie kapag may mga ganoon siyang pino-post at para maiwasan na lang daw ang bashing, hindi na lang magpo-post ang young actress ng mga ganoon sa kanyang IG account.

Ang nanay rin ni Barbie na si Mommy Amy Forteza, umiiwas na rin magkomento pa ng kahit na ano dahil ayaw naman nito na mapatawag pa ng big bosses ng Kapuso Network.

Pero bakit kaya hindi na lang gawing partners talaga sina Barbie at Jak para maging open na lang sila sa kanilang relasyon?

Well…

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?