140

May 23, 2019 @ 21:13
By

Barbie ayaw magpadaig sa aktingan kina Jane, Jerome

Nagpapasalamat si Barbie Imperial sa Regal dahil sa pagsama sa kaniya sa movie na “Finding You”.

Aniya, kinokonsidera niya ang “Finding You” na first real film niya.

Unang pelikula umano kasi niya ay dumaraan lang siya sa likod o kung may linya man siya ay limang salita lang hindi tulad sa “Finding You” kung saan kasama niya sina Jane Oineza at Jerome Ponce.

Dagdag pa niya, ibinibigay niya palagi ang best niya para hindi siya malamon sa aktingan sa mga magagaling na umarteng co-actors niya.

“Dito, may close up pa ako. So nagpapasalamat talaga ako sa Regal at kay Direk Easy Ferrer for making me a part of this movie. Salamat din kay Jerome at kay Jane Oineza kasi ang ganda ng naging bonding namin sa set. At ang gagaling nilang umarte so I have to give my best para hindi nila ako lamunin,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?