42

Dec 28, 2017 @ 16:55
By

Barbers sa LGUs: ‘Wag pagkakitaan ang fireworks display

Pinaalalahanan ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers ang mga lokal na pamahalaan kaugnay ng implementasyon ng Executive Order 28 o ang utos na nagbabawal sa pagpapaputok at nagtatakda lang ng community fireworks display.

Ayon kay Barbers, hindi dapat gamitin ng LGUs ang nasabing EO para tumodo naman ng gastos sa fireworks display.

Nangangamba ang kongresista na baka samantalahin pa ito ng ilang tiwaling opisyal para pagkakitaan lalo’t hindi naman na ma-aaudit ang mga nagamit nang fireworks.

“While the Executive Order mentions ‘designated areas’ where certain fireworks can be used by LGUs, this should never be taken as a blanket authority by some LGUs as an opportunity to lavishly spend people’s money to splurge on fireworks display, in the guise of sponsoring a safe display of fireworks for the benefit of the public,” ani Barbers.

“Worse, since used or burned fireworks cannot be audited anymore, officials of LGUs should never take advantage of the situation and use the law to cover up corruption in the mis-implementation of the law,” dagdag ng kongresista.

Binigyang-diin nito na ang dahilan nang pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nasabing EO ay para protektahan ang publiko lalo na ang mga bata sa mga aksidenteng dulot ng paputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?