60
ABANTE rep robert ace barbers term extension
Jan 10, 2018 @ 15:02
By

Barbers, OK sa term extension kay Duterte

Inirekomenda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na palawigin ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa gitna ng usapin sa panukalang Charter Change para sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federalism.

Ayon kay Barbers, dapat samantalahin ng mga Filipino ang mahusay na lider gaya ni Pangulong Duterte.

Giit pa ng kongresista, ang 80 percent approval rating ng Presidente ay patunay na gusto ng mga tao ang mga ginagawa nito, maging ang kanyang mga desisyon at istilo ng pamumuno.

“Every now and then, not a few learned men would say that we need someone who has guts, political will and resolve, to lead this country to real greatness and development,” ani Barbers.

“What is a few more years if it guarantees profit for the country,” dagdag pa ng kongresista.

Sabi ni Barbers, hindi sapat ang termino ni Pangulong Duterte kaya kailangan pa siyang bigyan ng sapat na panahon para maipatupad ang mga proyekto, adbokasiya at magagandang plano para sa mga Pilipino. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?