19

May 4, 2021 @ 22:05
By

Barbers kinuwestiyon mabagal na paglabas sa PNP body cam guideline

Kinuwestyon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kabagalan ng Philippine National Police (PNP) sa paglalabas ng guidelines para sa paggamit ng body camera ng mga pulis sa kanilang operasyon.

Ayon kay Barbers maraming bansa na ang gumagamit ng body camera kaya marami ng makokopya ang PNP kung ano ang dapat nitong gawin.

“Bakit may challenge? All they have to do is copy the best practices in the world on its use. What is so difficult and problematic in the implementation on the use of body cams by law enforcers here in the country?” sabi ni Barbers.

Binigyan na ng PNP ng body camera ang mga istasyon ng pulisya sa Metro Manila subalit hindi pa tapos ang guidelines kaugnay ng paggamit nito.

“It’s not rocket science and the most is it would just take days to orient the users on its worldwide accepted protocols,” dagdag pa ni Barbers.

Pinag-aaralan umano ng PNP kung hindi magkakaroon ng komplikasyon ang paggamit ng body camera sa privacy ng isang indibidwal kapag ginamit itong ebidensya sa korte.

“What privacy issue are they talking about? Privacy should be the least of the concern of the law enforcers in running after criminals and violators of the law. Those that disturb peace and order in our community should not be accorded privacy as they too violate other people’s privacy and safety,” saad ng solon.

Sinabi ni Barbers na dapat ding pag-aralan ng PNP ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng paggamit ng body camera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?