22
JAIL CRIME
By

Barbero kalaboso sa pananaksak sa kanyang landlord

Sharing is caring!

Sa kulungan bumagsak ang isang barbero nang saksakin ang kanyang landlord, na dating overseas Filipino worker (OFW), matapos ang pagtatalo sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat nina PO2 John Hallare at PO1 Filbert Madio, ng Navotas City Police Community Precinct 4, alas-10:00 ng gabi nangyari ang krimen sa loob ng bakuran ng biktimang si Christopher David, 42-anyos, dating OFW na ngayo’y isa nang fish port checker, at residente ng Banak St., Barangay North Bay Boulevard South.

Nasa bakuran ng kanilang bahay ang biktima nang kulitin umano ng lasing na suspek na si Eddie Maat, 46, hinggil sa P40,000 pagkakasangla-tira ng huli sa inuupahan nitong pagmamay-ari ng biktima.

Kinausap naman umano ng maayos ng biktima ang suspek na wala pa itong maibibigay na pera ngunit kinulit pa rin siya ni Maat hanggang sa mag-away na sila na naawat lang ng mga kapitbahay.

Sandaling umalis ang suspek pero bumalik din na may hawak na ng gunting.

Dinamba nito si David at sinaksak sa tagiliran at dibdib.

Humingi agad ng saklolo ang ina ng biktimang si Myrna David, 65, sa kanilang barangay kung saan nadatnan na nakabulagta na si Christopher at duguan din ang suspek dahil nagawang makalaban ng biktima.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima habang idiniretso sa presinto si Maat. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?