73

Oct 17, 2021 @ 10:48

Barbell agaw-pansin sa engagement ring ni Hidilyn

Pinatunayan nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo na may forever sa weightlifting.

Kaya naman sa ispesyal na araw para sa dalawa, kakaibang engagement ring din ang pinaukit ni Julius para sa natatanging Pinay Olympic gold medalist.

Binahagi ng Manila Diamond Studio ang larawan ng engagement ring ni Hidilyn, kung saan mapapansin agad ang nakaukit na barbell dito bukod sa malaking diyamante.

Bukod pa rito, may nakaukit ding ‘Tokyo 2020’ sa ring band, na sumisimbolo sa accomplishment ni Hidilyn, kung saan isa rin si Julius sa kanyang naging coach para makamit ang gintong medalya sa Tokyo.

“Philippines’ first olympic gold medalist, Hidalyn Diaz’s engagement ring, was inspired by Hidilyn Diaz ‘s love, strength and passion. In collaboration with Coach Julius, we brought life to what could only be the perfect ring for her,” ayon sa Manila Diamond Studio.

“Another gold for our champ!”

https://www.facebook.com/maniladiamondstudio/posts/4573747462688159

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?