56

Aug 23, 2018 @ 12:06
By

Barangay tanod, lola huli sa pot session

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na katao kabilang ang isang tanod at isang 60-anyos na lola na naaktuhang nagpa-pot session, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng Station Drug Enforcement Team Station 4 ang apat na sina Irene Ramos, edad 60; Rene Boy Tortal, 49, baranggay tanod; Arnel Bacot, 25, construction worker, at Richard Salosa, 38.

Nabatid na dakong alas-7:10 ng gabi nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng MPD-Police Station 4 sa Prudencio St.. cor. Hondradez St., Sampaloc, Maynila.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa iligal na aktibidad ng mga suspek dahilan para magresponde sa lugar at nahuli sa aktong bumabatak ng shabu.

Nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?