47
comelec-barangay

Barangay, SK polls balik sa manual voting – Comelec

Sharing is caring!

Gagamitin uli ang manual voting sa gaganaping barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Ayon sa tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec), ilang 77 milyong balota na ang inimprenta para sa naturang kaganapan.

Pulang balota ang gagamitin sa SK habang itim sa barangay.

Dito, kailangang ilagay ng mga botante ang mga pangalan ng napili nilang kandidato, hindi tulad noong 2016 automated elections kung saan isi-shade lang ang hugis na bilog kung saan nakatapat ang pangalan ng napiling kandidato.

Ang mga botante na edad 15 hanggang 17 ay bibigyan ng SK ballot, habang ang may edad na 31 pataas ang tatanggap ng barangay ballot. Ang mga may edad namang 18 hanggang 30 ay pagkakalooban ng dalawang nabanggit na mga balota.

Hindi naman tatanggapin ang mga alyas at palayaw ng mga kandidato sa isusulat sa balota.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?