39
comelec
By

Barangay, SK election winners na may disqualification case, ‘di makakaupo sa puwesto – Comelec

Sharing is caring!

Hindi papayagan ng Commission on Elections (COMELEC) na maupo sa pwesto sa June 30 ang mga nagwaging kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong May 14, 2018 na may nakabinbing petition for disqualification o petisyon para makansela ang kanilang kandidatura.

Ito ang tinukoy ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez dalawang linggo bago magsimulang manungkulan ang mga bagong-halal na opisyal sa barangay at SK.
Ayon kay Jimenez, salig sa Comelec Resolution Number 10196, ang kandidato sa SK ay hindi dapat bababa sa 18 taong gulang at hindi rin lalagpas sa 24 taong gulang noong araw ng eleksyon.

Base na rin umano sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Garvida versus Sales Jr., ang isang taon ay katumbas ng 365 araw at nangangahulugan na hindi dapat lalagpas ng kahit isang araw sa edad na 24 ang isang kandidato sa SK.

“In implementing the age requirement, the COMELEC looked to the landmark case of Garvida vs. Sales, Jr., where the Supreme Court ruled that one year is equal to no more than one 365-day cycle. Therefore, 24 years does not mean 24 years and one or some days or a fraction of a year since that would be more than 24 365-day cycles,” paliwanag ni Jimenez.

Samantala sa ilalim naman ng Local Government Code of 1991, pinapatawan ng disqualification na tumakbo sa halal na posisyon ang sinuman na napatalsik sa pwesto dahil sa kasong administratibo.

Hindi rin papayagan na maupo ang mga halal na lokal na opisyal na nakapagsilbi na ng tatlong magkakasunod na termino sa posisyon.

“This three-term limit is stated in Section 8, Article X of the Constitution, and is further reiterated in Section 43(b) of the LGC,” dagdag ni Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?