9
barangay-sk-election
By

Barangay, SK candidates, i-level up ang mga plataporma – solon

Sharing is caring!

Hindi umano dapat maliitin ng mga kandidato ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Siquijor Rep. Rav Rocamora, mainam na maglatag ang mga ito ng mga platapormang hindi lang limitado sa mga isyu ng barangay gaya halimbawa ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sabi pa ni Rocamora, mahalagang malaman kung anong klase ng liderato ang alok ng bawat kandidato.

Pinayuhan rin nito ang mga botante na alamin sa mga naghahangad na maglingkod sa barangay kung transparent ang mga ito, bukas sa pakikibahagi ng mga ka-barangay at kung magbibigay ng full access sa mga impormasyon.

Gayundin, kung ano ang kanilang mga plano para sa marginalized sectors gaya ng mga magsasaka, mangingisda, mga kababaihan at senior citizens.

Binigyang diin ng kongresista na pwede ring singilin ang mga opisyal ng barangay sa kanilang mga pangako kung hindi matutupad ang mga ito.

“Please do not treat this exercise as a mere ‘barangay-barangay lang’ as a lot of the problems stems from and can be immediately solved at the barangay level. We must expect more from our barangay leaders not just the usual basketball courts or beauty contests. Let us all be active and hold them accountable to their promises the way we must hold all public officials answerable to their promises and accountable for their actions,” ani Rocamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?