185

Dec 23, 2017 @ 15:53
By

Barangay secretary, nilapa ng buwaya sa Palawan

Nilapa ng buwaya ang isang 53-anyos na lalaki sa Brgy. Malitub, Bataraza, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Abdulsalam Binang Amerhasan, barangay secretary ng Barangay Malitub, Bataraza, Palawan.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, alas-otso ng gabi kamakalawa nagpaalam ang biktima sa kanyang asawang si Hamda Sawad Amerhasan na titingnan ang kanilang bangka na nasa Malitub River dahil sa lumalakas na hangin dulot ng bagyong Vinta.

Pero halos isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakakabalik ang biktima kaya’t humingi na ng tulong ang asawa nito sa kanyang mga kapitbahay na agad namang tumulong sa paghahanap dito.

Hanggang sa alas-siyete ng umaga kahapon ay natagpuan ang bangkay ng biktima na kalunos-lunos at puro kagat ng buwaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?