67

Oct 18, 2021 @ 16:23
By

Barangay secretary kinatay sa opisina

Patay sa tadtad ng saksak ang isang 49-anyos na barangay secretary sa Binanalan, Sta. Rita, Samar noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Suzette Palicte.

Ayon sa ulat, nagtatrabaho sa barangay hall si Palicte nang pumasok ang suspek na kinilalang si Jonelo Besco.

Nagkaroon pa raw ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa bago binunot ng suspek ang patalim at tinadtad ng saksak si Palicte.

Sinubukang tumakas ni Besco ngunit nakorner ito ng mga awtoridad sa isang bahay.

Bukod sa panaksak na ginamit ay armado pa ang suspek ng dalawang improvised shotguns.

Nahaharap siya sa mga kasong murder at illegal possession of firearms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?