16

Jan 26, 2021 @ 17:44
By

Barangay outpost sa bangketa pinagiba ni Yorme Isko

Isang barangay outpost na itinayo sa bangketa sa Sta. Mesa, Maynila ay kabilang sa giniba sa nagpapatuloy na clearing operation sa lungsod.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, illegal obstruction sa bangketa ang nasabing outpost ng Barangay 619 kaya giniba ito ng mga miyembro ng Department of Engineering and Public Works.

“Ang pagpapatupad ng batas sa Maynila ay pantay-pantay — walang mahirap, walang mayaman, walang palakasan,” ani Mayor Isko sa isang Facebook post nitong Martes.

“Ang kalsada at sidewalk ay dapat magamit ng tao nang maayos. Huwag po sana natin lagyan o tayuan ang ating mga kalsada ng kahit na anong uri ng obstruction,” dagdag niya.

https://www.facebook.com/iskomorenodomagoso/posts/3624362177633199

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?