Abante-VisMin-Radar-narco-list
By

Barangay officials sa narco list, makakatikim ng tokhang – NCRPO chief

Sharing is caring!

IBINUNYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan na dalawa pa lang sa isang dosenang barangay officials na napabilang sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humaharap sa pulisya.

Ayon kay Cascolan, binabalak nila na ipatikim ang ‘tokhang’ sa 10 pang opisyal na hindi pa nililinaw ang sinasabing pagkakasangkot nila sa droga.

Aniya, makakabuti kung lulutang na ang 10 opisyal dahil kung hindi ay personal niyang pupuntahan ang mga ito.

Dagdag pa ng opisyal, maiiwasan nito na mapahiya at mainsulto ang mga opisyal kapag binisita niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Una nang isinapubliko ng PDEA ang mga nakasama sa kanilang drug watchlist at naglalaman ito ng 207 pangalan, karamihan ay sa Bicol Region,

Ang listahan ay validated na ng PNP at ng mga intelligence agencies ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?