10
tito-sotto
By

Barangay officials na sabit sa drug trade hindi dapat armasan – Sotto

Sharing is caring!

Hindi dapat maisyuhan ng baril ang mga opisyal ng baranggay na dawit sa bentahan ng ilegal na droga.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kailangan itong tiyakin kapag natuloy ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahawakin ng baril ang mga kapitan at kagawad ng baranggay.

Kilala naman umano ang mga opisyal ng baranggay na nadadawit sa kalakalan ng droga batay sa “narco list” na hawak ng Pangulo.

Matatandaan naman na bago ang halalang pambaranggay na idinaos noong Mayo, sa direktiba ng pangulo, inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng 207 opisyal ng baranggay na dawit umano sa illegal drug trade.

Tinukoy doon ang 90 baranggay chairman at 117 kagawad.

Una nang sinabi ng pangulo na paiisyuhan niya ng baril ang mga opisyal ng baranggay upang magkaroon ng laban sa mga kriminal at rebelde.

Ayon kay Sotto, hindi naman basta mabibigyan ng baril ang mga taga-baranggay.

Tulad ng lahat ng kumukuha ng baril, dapat pa rin silang pumasa sa psychiatrict tests at kumuha ng ibang pagsusulit bago mabigyan ng lisensya para makapag-ingat at makapagbitbit ng baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?