57
Abante-VisMin-Radar-narco-list
By

Barangay officials na nasa ‘narco list’ ng PDEA, itotokhang ng PNP

Sharing is caring!

Isasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa Oplan Tokhang ang mga opisyal ng barangay na pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hinihintay na lang nila ang validated ‘narco list’ mula sa PDEA.

Ang mga ito ay kakatukin at pakikiusapan nila lahat drug user o protektor man ng iligal na droga.

Kapag drug user, isasailalim aniya ang mga ito sa rehabilitasyon habang kung protektor, hahanapan ng ebidensiya at sasampahan ng kaso.

Maaari aniyang isyuhan ng search warrant ang mga nasa ‘narco list’ at maging target ng anti-drug operation.

Iginiit pa ng hepe, kung anuman ang ginagawang tokhang sa mga ordinaryong sibilyan, ganun din ang ipatutupad sa barangay officials.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?