53
duterte2
By

Barangay officials na nasa narco list, ibubuking na ni Duterte

Sharing is caring!

Pag-iisipan ni Pangulong Rodrigo kung ilalabas sa publiko ang pangalan ng mga barangay chairmen na nasa hawak niyang narco list kasunod ng nakatakdang barangay elections.

Sinabi ng Pangulo na kailangang makatiyak na hindi maapektuhan ang kalayaan ng mga botante sa pagpili ng kanilang lider-barangay.

May agam-agam pa rin aniyang baka mahalal ang maling lider dahil hindi pa rin nawawala ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa illegal drug trade.

“I will give it a thought. I’ll sleep on it maybe sometime. Kasi I have to make sure that it does not affect the freedom of the people to elect their own leaders because this is democracy. So I have to think about this crucial issue,” anang Pangulo.

Sa ngayon ayon pa sa Presidente ay bahagyang nabawasan ang bilang ng mga barangay chairmen na sangkot sa droga pero hindi siya titigil hanggat nalilinis lahat ang mga ito.

Nagbanta pa ang Pangulo na huwag siyang hayaang makamit ang hangad na zero target kapalit ng buhay ng mga durigistang opisyal.

“My job here is to see to it that there is no scale to use the danger of drugs. Kung maaari lang zero. Do not… kayong mga durigista, do not help me attain my objective at the expense of your lives,” dagdag pa ng Presidente.

Batay sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte, nasa 40% ng mga barangay chairmen sa buong bansa ang sangkot sa droga at hindi inaalis ang posibilidad na magamit ang narco money para manatili ang mga ito sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?