narcolist
By

Barangay narco list, validated – PDEA

Sharing is caring!

Ipinagdiinan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na validated ang hawak nilang listahan ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga.

Inanunsiyo nito na 207 ang nasa listahan, ngunit hindi niya pinangalanan ang mga ito.

Sa naturang bilang, 90 ang barangay chairpersons at 117 ang barangay kagawad.

Sa Bicol Region, ang may pinakamaraming naisama sa listahan sa bilang na 70. Sinundan ng Caraga na may 34 at Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 13.

Pagdidiin ni Aquino, ang mga pangalan na nasa listahan ay validated din ng PNP, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Dagdag pa ng opisyal, karamihan sa mga nasa listahan ay mga protectors, may mga drug users, drug pushers at mayroon din maituturing na drug lords.

May 274 iba pang opisyal ng barangay na kanilang beneberipika at maaring makasama din sa listahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?