30
jailed1
By

Barangay kagawad tiklo sa buy-bust sa Oriental Mindoro

Sharing is caring!

Dinakip ng mga pulis ang isang barangay kagawad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. San Vicente South , Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay Police Regional Office MIMAROPA Regional Director Police Chief Supt Emmanuel Luis Licup, alas-9:30 ng umaga kahapon ng isagawa ang buy-bust operation.

Kinilala ang drug suspek na si Barangay Councilor Modesto Leynes, 50 anyos, isa sa high value target sa lugar.

Sa operasyon nakuha sa kanya ang apat na piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu at P1,000 peso bill marked money.

Nakakulong ang suspek sa Calapan City Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?