84

Oct 2, 2017 @ 17:07

Barangay kagawad sa Mindoro, tiklo sa buy-bust operation

Arestado ang isang Barangay Councilor matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Fredelito Beron Tendido, 45, konsehal ng ng Barangay Canubing, Calapan City.

Sa ulat ng Philippine National Police-MIMAROPA, alas-12:10 ng hatinggabi kahapon nang isagawa ng PNP Drug Enforcement Unit at Oriental Mindoro Police Provincial Police Office ang buy bust operation.

Nakuha sa pag-iingat ni Tendido ang isang sachet ng hinihinalang shabu, 500 piso bill na ginamit bilang marked money.

Sa ulat pa ng pulisya, una nang sumuko ang suspek sa ginawang Oplan Tokhang noong July 18, 2016, pero batay sa mga isinagawang validation at monitoring ng pulisya natukoy na gumagamit pa rin ng iligal na droga ang suspek.

Si Tendido ay number one sa listahan ng Police Regional Office’s Top Personalities on Illegal Drugs sa MIMAROPA. Sa ngayon ay nakakulong na sa Calapan City Police Station ang Brgy Councilor.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?