173
dead-body-soco
May 27, 2018 @ 13:40
By

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Laguna

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Laguna Police kaugnay sa pagpatay sa isang barangay kagawad ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Biñan, Laguna, kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joselito Marfori, 55-anyos, kagawad ng Barangay Casile, naisugod pa sa Perpetual Medical Center ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Batay sa report, naganap ang krimen bandang 3:00 kamakalawa ng hapon Barangay San Jose habang nakatayo ang biktima malapit sa isang Small Town Lottery (STL) at agad na dumating ang riding in tandem suspek ay saka pinagbabaril ang biktima.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa STL ang sanhi ng pagpatay sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?