75

Dec 2, 2017 @ 13:36
By

Barangay kagawad kalaboso sa boga, shabu

Kalaboso ang isang barangay kagawad sa Caloocan City matapos arestuhin ng pulisya kung saan nakumpiska sa pangangalaga nito ang nasa 17 sachets ng hinihinalang shabu at baril na walang lisensiya kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PSSupt. Jemar Modequillo, ganap umanong alas-dos ng madaling-araw nang magtungo ang pulisya sa bahay ng suspek na si Barangay Kagawad Joemarie Dahinog Fuentes, alyas Nono sa kahabaan ng 4th Street cor. 2nd Street, Bagong Barrio.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Victoriano Cabanos ng Caloocan Regional Trial Court Branch 127 ay pinasok ng mga awtoridad ang pamamahay ng kagawad at sa kanilang paghahalughog sa bahay nito ay narekober ang isang .9mm caliber na baril at hindi bababa sa 17 mga sachet ng hinihinalang shabu na inaalam pa ang dami.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon kay Modequillo, ang nangyaring pag-aresto umano kay Fuentes ay bahagi ng kampanya ng Philippine National Police na walang pinipili ang batas na arestuhin kahit sino pa man na lumabag lalo na umano ang mga nasa posisyon na silang nagkakalat ng iligal na gamot sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?