9
views

By

Barangay, huwag sisihin sa basura – Atienza

Sharing is caring!

Nanawagan si Deputy Minority Leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa local government units (LGUs) na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay sa kanilang mga lungsod at munisipalidad para matiyak ang kalinisan at maayos na pagtatapon ng basura.

Ito’y para maiwasan anya ang gaya ng nangyari sa Maynila nitong nakaraang linggo kung saan nagkalat at natambak ang basura sa iba’t-ibang kalsada dahil nagkaroon ng problema sa koleksyon.

Sabi ni Atienza, hindi dapat sisihin ang barangay sa ganitong mga problema at sa halip ay makipagtulungan ang LGUs sa kanila sa pagpapatupad ng batas at paglilinis sa kapaligiran.

Ayon sa kongresista, nagiging mas epektibo ang mga barangay kapag binibigyan ang mga ito ng tamang direksyon at suporta ng mga mayors at governors.

“LGUs should give the barangays a definite program to implement,” ani Atienza.

“We believe they are competent and ready to serve. With the proper guidance and vision, they can help address the many issues and problems facing LGUs, one of which is traffic management,” dagdag ng mambabatas.

Winelcome naman nito ang paghikayat ng Pangulo sa mga opisyal ng barangay na gawin ang kanilang trabaho sa pagpapanatili ng peace and order sa kani-kanilang lugar. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?