51

Barangay Ginebra tuloy ang selebrasyon sa kabila ng ulan, baha

Sharing is caring!

Hindi napigilan ng malakas na buhos ng ulan ang libong fan ng Barangay Ginebra na nakiiisa sa selebrasyon matapos angkinin ang 2018 PBA Commssioner’s Cup noong nagdaang Miyerkules.

Mahigit 1,500 supporters ng Gin Kings ang sumugod sa Metrotent Convention Center sa Pasig City Linggo ng hapon kung nakipagdiwang ang mga ito sa Gin Kings at coaching staff.

“I’m so happy that you all came,” pahayag ni coach Tim Cone, na nakuha ang kanyang ika-21 titulo sa PBA matapos gapiin ang Beermen noong Miyerkules.

“I am so proud to be the coach of Ginebra. I wish that all the coaches in the world could be the coach of Ginebra for at least one day just so they can experience how happy I am to be the coach of Ginebra,” dagdag nito.

“It’s not just at the games pero every day. Every day I see Ginebra fans who are always so friendly, they come up to me. I love you guys, I really love you guys.”

Pinuri ni Cone ang Ginebra fans dahil malaki ang naitulong ng mga ito para makabawi sila sa masamang 1-5 start sa Commissioner’s Cup at makarating sa finals.

“We are here because you are here for us,” sigaw ng pasasalamat nito sa mga fan na dumalo sa selebrasyon.

Dumagudong ang hiyawan ng mga fan ng ipakilala ang Best Import ng si Justin Brownlee gayundin ang Finals Move Valuable Player Scottie Thompson.

“Mahal ko kayo,” sambit ni Brownlee na pinalakpakan ng todo ng mga fan ng barangay Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?