9

Barangay execs na walang BADAC, kakalusin na ng DILG

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sasampahan na ng mga kaso ang mga opisyal ng barangay na nabigong mag-organisa ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).

Ayon kay Interior Asec. Ricojudge Echiverri, may 73 barangay sa buong bansa ang nadiskubre nila na walang BADAC.

Aniya, ang mga opisyal ay kakasuhan sa Office of the Ombudsman kasabay ng election period para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ang pagbuo ng BADAC ay unang ipinag-utos ni dating Interior Sec. Mar Roxas noong 2015.

Noong Pebrero, inanunsiyo ni Echiverri ang dapat na ‘reactivation’ ng BADAC sabay banta na ang mga opisyal na mabibigong sumunod ay kakasuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?