82

Dec 26, 2017 @ 11:35
By

Barangay chairman tinodas ng riding-in-tandem

Nasawi ang isang barangay chairman nang barilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa JP Rizal St. Tondo, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Randy Reyes, chairman ng Brgy. 104 Zone 8.

Naisugod pa Gat Andres Bonifacio Hospital si Chairman Reyes ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa nasabing insidente ay sugatan ang tricycle driver na si Rodel Mariano na pinagbabaril din ng mga suspek at nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa tagiliran.

Sa inisyal na report ng pulisya, katatapos lang ng party sa lugar at nakatayo si Reyes sa JP Rizal kanto ng Lallana St. nang sumulpot ang riding-in-tandem saka pinagbabaril ang mga biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?