84
soco12
By

Barangay chairman tinodas ng 8 NPA sa Quezon

Patay ang isang barangay captain matapos na pagbabarilin sa Brgy. Busokbusok, San Narciso, Quezon Lunes ng tanghali.

Kinilala ang pinatay na biktima na si Ruben Aureada Carabido, Punong Barangay ng Brgy. Binay, San Narciso, Quezon.

Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Supt Chitadel Gaoiran alas-12:30 ng tanghali kanina nang mangyari ang pamamaril sa biktima.

Aniya, walong mga lalaking nakasuot ng itim na T shirt na may tatak ng logo ng Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) ang bumaril sa biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?