188

By

Barangay Chairman sa Caloocan, basag ang mukha sa supporter ng kalaban

Sharing is caring!

Isang Barangay Chairman ang sinapak na, inambahan pa ng itak ng isang dating kagawad sa Caloocan City Lunes ng gabi.

Sugatan ang biktima na si Rodrigo Dequito (56) matapos na suntukin sa mukha ng suspek na si Ramon Meraña alyas “JonJon Barok”.

Ayon sa biktima, pinuntahan niya ang suspek sa bahay nito sa Dagohoy St. Barangay 77 para kausapin tungkol sa panununtok nito sa kanyang kapatid na isang barangay tanod.

Laking gulat umano niya nang bigla siyang sapakin at ambahan pa ng “jungle bolo” ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraang makita ang rumerespondeng mga barangay tanod.

Angulong pulitika ang sinasabing dahilan ng panununtok dahil ang suspek ay nabatid supporter ng nakalaban na kandidato ng biktima sa nakaraang Barangay election.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?