129
views
abante barangay chairman dead
By

Barangay chairman patay sa ambush sa Maynila

Sharing is caring!

Nasawi ang isang barangay chairman ng Pasay matapos pagbabarilin sa Maynila Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Inspector Dave Garcia, hepe ng MPD PCP 9 ang biktima na si Abdul Akop, 59 taong gulang, chairman ng Barangay 14 Zone 1 sa Pasay City.

Pinagbabaril ang biktima ng tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo dakong 1:00 ng hapon sa kanto ng FB Harrison Street at Pablo Ocampo Street sa Malate, Maynila.

Samantala, sinabi ni Garcia na kanilang rerepasuhin na ng mga imbestigador ang CCTV para matunton ang mga pumaslang sa biktima.

Sinasabing hindi nakunan ang aktuwal na pamamaril dahil natakpan ang kuha ng camera ng sasakyan na palabas ng parking lot ng Village Square .

Hihingan din ng statement ang mga saksi, pati ang lalaking kaangkas daw ng chairman na nakaligtas naman sa pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ang krimen ang 9 na basyo ng bala ng hindi pa matukoy na baril. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?