71

Dec 27, 2017 @ 9:55
By

Barangay chairman na nakabaril ng lasing, sumuko

Kusang-loob na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang chairman ng isang barangay sa Cavite matapos masangkot sa isang insidente ng pamamaril noong Pasko ng gabi.

Sa ulat ng Kawit Municipal Police Station (MPS), lumilikha ng takot at kaguluhan sa nasabing Brgy. Tramo, Kawit, ang biktimang si Christopher Maluping Vergel, 34, na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng alak.

Bunsod nito’y rumesponde ang suspek na si Barangay Chairman Hilbert Lumakad Derudar, at tinangkang payapain ang nagwawalang biktima ngunit maging siya ay sinugod nito at hindi kinilalang barangay chairman sa kanilang lugar.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nabaril ng suspek ang nagwawalang biktima na tinamaan sa dibdib at kanang balikat na agad nitong ikinamatay.

Narekober ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 38 na baril. (Rossel Calderon)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?