8
views
patay-dead-body
By

Barangay chairman inutas sa Misamis Oriental

Sharing is caring!

Binaril at napatay ng ‘di pa kilalang salarin ang kasalukuyang barangay chairman ng Danao, Jasaan, Misamis Oriental kaninang umaga.

Ayon sa report, kinilala itong si Alfredo Zapanta.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-5:40 ng umaga sa Purok 7, sa Brgy. Danao.

Naitakbo pa sa Jasaan Hospital si Zapanta matapos ang krimen pero idineklara itong dead on arrival.

Si Zapanta ang pinakabagong lokal na opisyal na napaslang sa loob lang ng dalawang linggo.

Ilan sa mga naunang naitumba ay sina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili; General Tinio, Nueva Ecija Vice Mayor Ferdinand Bote; barangay councilor Michael Magallanes ng Zamboanga; Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan; Sapa-Sapa, Tawi Tawi Vice Mayor Al Rashid Mohammad Ali; at Cebu City barangay councilor Roel Mabano. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?