50

By

Barangay chairman huli sa buy-bust ops sa Basilan

Sharing is caring!

Naaresto ang re-elected barangay captain ng Barangay Bato sa Lamitan City, Basilan sa ikinasang drug raid ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado.

Ayon sa report, narekober kay Adzhar “Omboc” Macrohon ang anim na sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P100,000 ang halaga.

Ilan ding hindi lisensiyadong armas at pampasabog ang nakuha sa kapitan.

Dinakip umano si Macrohon matapos may magreklamo sa kanya.

Si Macrohon ay kasama sa drug watchlist ng PDEA.

Nahaharap ngayon ang tserman sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?