511

By

Barangay captain sa La Union pinalamon ng bala ng kaaway

Todas ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Bauang, La Union matapos barilin ng kanyang kaalitan sa bunganga sa loob ng isang casino, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Bauang Police Station (BPS) ang biktima na si Bauang Municipal Councilor at Barangay Pagdalagan Sur chairman Noel “Wowie” Gallardo.

Samantala, pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Escobal, tubong Aurora, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi, habang naglalaro ng slot machine si Gallardo sa loob e-casino. Diumano’y nilapitan siya ni Escobar at bigla umanong pinasubo sa biktima ang barrel ng baril, at walang sabi-sabi itong pinaputukan sa bibig.

Sinabi ng BPS, mula sa bunganga ng biktima, tumagos sa likod ng kanyang ulo ang bala ng baril.

Agad na sinugod si Gallardo sa Ilocos Training and Regional Medical Center pagkatapos ng mahigit dalawang oras na gamutan.

Nalaman ng pulis na may alitan ang suspek at biktima.

Samantala, agad na tumakas si Escobal matapos mamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?