130

By

Barangay captain patay sa drug bust sa Palawan

Patay ang isang bagong halal na Punong Barangay sa Balabac, Palawan matapos na manlaban sa tropa ng pulisya at militar nang isagawa ang drug buy bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala itong si Punong Barangay Pistoh Akin Hamja, Brgy. Captain ng Brgy Mangsee, Balabac, Palawan.

Nakatakas naman ang kasama nitong kinilalang si Jaulkalnain Usman, alias “Haji Bittoh” kapwa residente ng Brgy. Mangsee, Balabac, Palawan.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino alas -3:00 ng madaling araw kanina nang maganap ang pagsalakay sa bahay ng suspek bitbit ang search warrant laban sa suspek dahil sa kasong may kinalaman sa iligal n droga.

Ngunit sa halip na sumuko sa mga awtoridad ay nanlaban pa ito dahilan nang kanyang pagkamatay.

Si Hamja ay kabilang sa High Value Target sa lalawigan.

Nakuha mula sa kanyang pagiingat ang limang piraso ng plastic sachet ng shabu, at magazine mula sa hindi matukoy na klase ng baril.

Tuloy tuloy naman ang operasyon ng pulisya at militar sa lugar upang maaresto ang nakatakas na kasama ni brgy captain Hamja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?