97

Oct 15, 2017 @ 18:00

Barangay captain arestado sa iligal na armas

Arestado ang isang Barangay Captain matapos makuhaan ng matataas ng kalibre ng baril sa kanyang mismong bahay sa Brgy. Manoot, Rizal, Occidental Mindoro Linggo ng umaga.

Kinilala ang naarestong Punong Brgy na si Bonifacio Paddayuman Custodio, 52 anyos residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng PNP Occidental Mindoro alas-6:35 ng umaga kahapon ng isagawa ng mga tauhan ng Occidental Mindoro Provincial Public Safety Company,  Regional Intelligence Unit, Provincial Intelligence Branch, Rizal MPS at CIDG Occidental Mindoro ang operasyon.

Bitbit nila ang search warrant na inisyu ng RTC Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang kalibre .45 pistol, dalawang piraso ng  magazine ng caliber .45, pitong live ammunition for caliber .45, isang piraso ng kulay brown gun holster (leather), at isang piraso ng red sling bag.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP CIDG Occidental Mindoro ang naarestong barangay captain. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?