109

May 5, 2020 @ 15:15
By

Barangay Addition Hills sa Mandaluyong, isasailalim sa total lockdown

Isasailalim sa total lockdown ang Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, pinulong niya ang mga opisyal ng Barangay Addition Hills kasama ang City Health Department at mga miyembro ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), Mandaluyong City Medical Center at Mandaluyong Police para sa pagdedeklara ng total lockdown dahil sa lumalalang sitwasyon ng mga nagkakasakit.

Isasailalim sa total lockdown sa loob ng isang linggo mula Mayo 7 ang Barangay Addition Hills dahil umabot na sa 57 cases ang nagpositibo sa COVID-19.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng random rapid testing sa mahigit 3,000 residente at ang pagdadala ng food packs sa bawat bahay.

Samantala, nasa 418 na ang confirmed COVID-19 cases na mayroong 300 active case at 673 suspected cases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?