21
Iloilo, Nueva Ecija pasok sa MPBL
By

Baracael, Mindoro tinoro ang Nueva Ecija

Sumuwag si ex-pro Marnel Baracael ng 20 points, 8 rebounds at tig-isang assist at steal upang ibalikwas mula sa 20 points down para ‘di sukat akalaing malansihan pa ng Mindoro Tamaraws ang Nueva Ecija,79-78, at kalsuhan ang 5-game slide sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims, Miyerkoles ng hapon sa Strike Gymnasium-Bacoor sa Cavite.

“We need to play defense on 2nd half kasi as you can see naman sa 1st half, nawawala kami and hindi kami masyado maka-defense,” ani Baracael na hinirang bilang best player of the game.

Sampa ang baraha ng Tams sa 7-12 para kapitan ang Group B 11th spot, tinuldukan ang magkasunod na ragasa at tinulak ang Novo Ecijanos sa sa 4-13 at matengga sa Group B 14th place.

Walang nagawa ang tig-13 markers sa NE nina Arvin Tolentino at ex-pro Jai Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?