simondo
By

Bar topnotcher pinarangalan ng Bacolod city gov’t

Sharing is caring!

Ginawaran ni Bacolod City Mayor Mayor Evelio Leonardia ang isa nilang kababayan matapos makamit ang mataas na parangal mula sa 2017 Philippine Bar Examinations sa naganap na courtesy call sa Bacolod City Government Center, kamakalawa.

Base sa Executive Order No. 12-A, idinideklara ang April 26, 2018 bilang “Mark John H. Simondo Day” ni Mayor Leonardia ng Bacolod City bilang parangal sa kasipagan ng 31-anyos na Bacolodnon sa kanyang pag-aral at maging magandang ehemplo sa lahat ng kabataan ang kanyang kasipagan sa pag-aaral.

Nasaksihan ang parangal para kay Simondo kasama ang pitong nakapasa ng bar exams at ilang city officials ang pagbibigay ng alkalde ng dalawang Executive Order Nos. 12-A and 13.

Nabatid na noong April 26 inilabas ng Supreme Court ang resulta ng 2017 Philippine Bar Examinations na kung saan ay nakakuha ng 91.05 percent si Simondo na isa sa

12 nakapasa sa bar na kinuha sa University of St. La Salle (USLS) College of Law.

Samantala, nagpalabas ng EO No. 13 si Mayor Leonardia bilang “congratulating and commending” para kay Simondo.

“Simondo has given immense pride to the City of Bacolod by earning the distinction of being the first Bacolodnon to place first in the Bar Examinations, and by proving that there are indeed local talents in Bacolod City who are at par with the best in Manila,” nakasaad sa EO.

Sinabi naman ng alkalde na natatangi ang talento ni Simondo na karapat-dapat na maging inspirasyon at maging modelo sa mga mamamayan ng Bacolod City, particular na ng mga kabataan.

Sa 6,748 na kumuha ng bar exams noong nakaraang taon, nasa 1,724 o 25.55 porsiyento lamang ang nakapasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?