212

May 1, 2020 @ 9:56
By

Bar topnotcher mula Bicol ginantimpalaan

Pera at bakasyon sa isang resort ang nakamit ni Mae Diane Azores, ang nanguna sa 2,103 examinee na nakapasa sa 2019 Bar exams.

Produkto si Azores ng University of Santo Tomas-Legazpi City sa Albay.

Nakatanggap ang topnotcher ng certificate of recognition, ng P25,000 na gantimpala, at stay sa Misibis Bay Resort sa Albay mula kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Bukod kay Azores, pasok din sa Top 10 ang isa pang UST-Legazpi graduate na si Myra Baranda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?