34
views
bar
By

Bar nilooban, kostumer binaril

Sharing is caring!

Nasugatan ang isang customer ng isang bar na nilooban ng apat na armadong lalaki sa Parañaque City, madaling-araw ng Huwebes.

Sa ulat na inilabas ng Southern Police District, alas-2:30 nang pasukin ng apat na armadong suspek ang Goto Bar sa Barangay San Isidro.

Binaril ang customer na si Aniceto Manalo Jr., 32, na tinamaan sa kaliwang bahagi ng katawan.

Ayon kay Marilyn Vizarra, manager ng establisimiyento, tinangay ng mga suspek ang P7,000 cash; kanyang cellphone at tablet.

Samantala, kinuha rin ang cellphone at pitaka ni Manalo na naglalaman ng P6,500 cash.

Tumakas ang mga suspek sakay ng mga motorsiklo patungo sa direksyon ng Sucat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?