278

Oct 23, 2021 @ 22:20
By

Bar nakatago sa mall, nabisto; 200 katao huli

Kinubkob ng mga awtoridad ang isang mall sa Makati City kung saan nadiskubre ang isang bar na patagong nag-ooperate kung saan nahuli pa sa akto na nagwawalwal ang nasa 200 katao.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, madaling araw ng Sabado ay sinugod ng mga awtoridad ang mall upang pasukin ang bar at dito nakita ang mga partygoer na kinalimutan na ang social distancing.

Ilan sa mga nahuli ay mga dayuhan pa.

Kulang umano ang dokumento ng naturang bar upang mag-operate.

Bukod din sa health protocols ay nilabag din ng mga partygoer ang curfew.

Tiniketan naman ang mga taong nagwawalwal.

Posibleng ipasara ang bar dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?