28

Jan 14, 2022 @ 17:05
By

Bar Exams inusog uli sa Pebrero

Inilipat muli ng ibang petsa ang 2020-21 Bar Exams dulot ng pagsirit ng COVID-19 case.

Ayon sa Supreme Court (SC), isasagawa ang 2020-21 sa Pebrero 4 at Pebrero 6, mula sa dating naka-schedule na Enero 23 at Enero 25.

Sabi ng SC, halos 17% ng 8,546 examinees ay infected ng COVID, may kasamang positibo o naka- quarantine dahil close contact.

Pinayuhan ng kataas-taasang hukuman ang lahat ng Bar examinee na mag-quarantine ng Enero 20, o dalawang linggo bago ang pagsusulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?