24

Sep 28, 2021 @ 13:21
By

Bar Exam nausad sa 2022

Napagdesisyunan ng Korte Suprema na iusad sa susunod na taon ang Bar exam na nakatakda sana ngayong Nobyembre.

Ayon sa ulat, unanimous ang naging desisyon ng Supreme Court en banc na ganapin ang Bar exam sa Enero 16, 23, 30 at Pebrero 6, 2022.

Ito umano ay ang proposal ni Bar Exams chair Justice Marvic Leonen.

Matatandaang noong 2020 ay hindi rin naidaos ang naturang pagsusulit dahil sa pandemya.

Samantala, kahit nausad ang petsa ng exam ay hindi na ulit bubuksan ang application period.

“All preparatory activities for the Bar Examinations, including the selection of the bar applicants of their venue, downloading of the secure exam delivery program, and other activities, shall continue,” saad sa Bar Bulletin No. 28. S. 2021.

“Treat this as an opportunity. Keep your momentum. Remember that you study not only to pass the Bar Examinations, but also so that you will best serve others. Study well, purposively, and with passion,” dugtong pa ng nasabing bulletin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?